Pagtrato sa Datos Kadalasang naglalaro ng computer games partikular na ang online games ay ang mga mag-aaral mula labintatlo hanggang labimpitong (13-17) taon gulang. Ipinapakita sa kanyang pag-aaral na ang karamihan sa mga ito ay gumugugol ng sampu hanggang dalawampung (10-20). Maraming kabataan ang natutong maging balanse sa paglalaro nila ng mga video game. Tingnan ang dalawang halimbawa. “Noon, inaabot ako nang hatinggabi sa paglalaro ng mga video game. Iniisip ko kasi: ‘Limang oras lang na tulog, okey na sa ’kin ’yon. Isang level pa.’ Pero ngayon, nasa tamang lugar na ang paglalaro ko. Fl studio 12 producer edition torrent download.
Ang Defense of the Ancients (mas kilala sa tawag na DotA, at maaaring isalin sa Tagalog bilang Tanggulan ng mga Sinauna) ay isang larong nagmula sa larong bidyo na Warcraft: Reign of Chaos na nang maglaon ay naging Warcraft: Frozen Throne. Ang Mapa nito ay base sa mapang “ Aeon of strife” ng larong Starcraft. Ang layunin sa larong ito ay sirain ang mga imprastruktura sa kampo ng kalaban. Ang bawat manlalaro ay mayroong katumbas na “yunit” nakinokontrol.
Katulad ng iba pang mga RPG, ang bawat manlalaro ay nag-iipon ng ginto pambili ng gamit habang pinapataas ang antas ng kanilang karakter. Ang DotA ay pinangungunahan ng dalawang pangkat ng manlalaro na kapwa sumasalungat sa isa't isa: Ang Sentinel at ang Scourge. Ang mga manlalaro sa pangkat ng Sentinel ay naka-base sa Timog-kanlurang bahagi ng mapa, samantala ang mga nasa pangkat ng Scourge ay naka-base sa Hilagang-silangang rehiyon nito.
Ang bawat kampo ay dine-depensahan ng mga tore at bugso ng mga karakter (creeps kung ito ay tawagin) na nagsisilbing tagapagbantay ng ruta patungo sa pinamumugarang puwesto ng isang kampo. Sa gitna ng mga kampong ito, nakatayo ang isang antigong istruktura, ito ay isang gusali na kinakailangang sirain upang manalo ang isang koponan sa laro. Ang bawat manlalaro ay maaaring gumamit ng isang karakter (hero), isang makapangyarihang yunit na walang ibang kawangis sa mga abilidad. Sa DotA, ang mga manlalaro sa bawat kampo ay pipili ng kani-kanilang karakter na gagamitin sa 112 yunit na maaari nilang pagpilian. Ang bawat hero ay nagtataglay ng kakaibang abilidad at taktikal na kalamangan mula sa ibang mga karakter. Ang eksena ay mariin na nakatuon sa pangkatang oryentasyon. Mahirap para sa isang manlalaro na dalhin ang kanyang mga kasama sa koponan at ipanalo ang laro nang nag-iisa lamang.Ang laro ay maaaring salihan ng aabot sa sampung katao na hahatiin sa limang manlalaro bawat grupo na maaaring pang madagdagan ng aabot hanggang sa dalawang tao upang magsilbi bilang mga tagapagmasid, kadalasan ang feature na ito sa mga larong may lima-katao sa bawat partido. Ang larong ito ay umiikot sa pagpapaibayo sa bawat indibidwal na karakter, kung kaya't ito ay hindi na nangangailangan pa ng pangangasiwa ng mga kasangkapan at pagtatayo ng mga istruktura gaya ng mga kadalasang isinasagawang pamamaraan sa mga tradisyunal na Online Role-Playing Games.
Ang pagpatay sa mga niyutral na yunit na kinokontrol ng kompyuter ay mainam upang makalikom ng puntos mula sa karanasan ang isang manlalaro. Microsoft windows for mac freezing. Sa oras na makamit ng isang player ang kinakailangang puntos, ang manlalaro ay aakyat ng isang lebel.
Ang pag-akyat ng lebel ng isang karakter ay makakapagpaibayo sa abilidad ng hero na kanyang ginagamit, kalakip pa ang unti-unting pagtaas ng mga ornamental nitong salik (Strength, Agility, Intelligence, Damage, Life Points, at Mana). Bilang karagdangan sa mga karanasang ito, pinangangasiwaan din ng isang manlalaro ang kanyang indibiwal na yaman, gamit ang ginto bilang representasyon ng salapi. Ang tipikal na pagkuha ng yaman mula sa pagbuo ng mga istruktura, mula Warcraft III, ay napalitan sa pamamagitan ng sistema ng pananalapi mula sa indibidwal na engkwentro na siyang mararanasan ng isang manlalaro habang tumatagal ang labanan. Bukod sa maliit at peryodikong sistema ng pananalapi, ang isang karakter ay maaari ding kumita ng ginto sa pamamagitan ng pagpatay ng mga yunit (mas pamilyar sa tawag na creeps), pagwasak sa mga istruktura ng katunggali, at pagpatay sa mga karakter ng kalaban. Ang konotasyon na ito ang nagsilbing hudyat upang maitutop ang istilong tinatawag na 'last-hitting,' kung saan humahanap ng isang tiyempo ang manlalaro para patayin ang isang yunit sa pamamagitan ng isa o higit pang tira, kalakip ang kalagayan na ito ay nasa kritikal nang estado at malapit nang makitil.